Ang isang Tatay, Ama, Daddy o Papa ...
- parcoclymene
- Jun 16, 2018
- 3 min read
Ano nga ba ang ibat - ibang klase ng AMA sa buhay ng bawat isa satin?
1. Simpleng Tatay - sila yung mga tipo ng ama na tahimik lang sa bahay. Makikita mo lang sya sa bahay na may kung ano anong kinukumpuni at inaayos na mga sirang gamit. Sila yung mukhang palaging seryoso at may malalim na iniisip. Sila yung nakatago ang kakulitan na lumalabas kapag nakikipaglaro sa mga anak nila. Di sila mahilig mag mall at kumain sa labas. Malimit nanonood lang sila ng TV o nagbabasa ng Dyaryo sa bahay.
2. Old Fashion na Tatay - Sila yung tipo ng ama na strikto. Oh ang tinatawag nating "Deciplinarian" Sila yung sinasabi nating "Old School" at strikto lalu na sa mga anak na babae. Sila yung madaming tanong lalu na sa mga anak tulad ng ; "San ka pupunta?" " Anong oras ka uuwi?" Sila yung malalahanin at mapagmahal na klase ng tatay sa buhay natin.
3. Chill na Tatay - Sila yung tipo ng ama na akala natin pa easy-easy lang. Akala natin walang pakialam. Yung tipong kahit nakagawa ka na ng di maganda, ay tahimik pa din sya, hindi dahil wala syang pakialam itoy dahil ayaw nya lang na pahabain pa ang problema. Maaaring pagsasabihan ka lang nya ng isang beses, yung tipong lahat ng sasabihin nya ay may laman na ikaw na mismo ang makaka realize kung tama ba o mali ang ginawa mo. Chill lang si tatay kase ayaw nyang maging pabigat at isipin pa sa pamilya.
4. Modernong Tatay - Sila yung tipo ng tatay na siguradong gustong gusto ng mga kabataan ngayon. Sila yung tatay na marunong mag FB, Instagram, Twitter , wala ka marunong din syang mag hashtags #. Di ba ang saya? Sila yung tipong makakalaro mo at kalaban mo sa Xbox. Minsan mas updated pa celphone nya kesa sa mga anak nya. Nakakapag COC at Mobile Legends. Go din sya sa mga pag momall ng pamilya. Sila yung parang barkada o kapatid mo lang. Mahilig sa PBA at NBA lalu na sa mga pa ending, lol. Mahilig sa celebration at imbitado lahat ng tropa. Malimit sa mga ganitong klase ng tatay ay mga office workers, or mga businessmen.
5. Probinsyanong Tatay - isa sa klase ng tatay na old fashion. Di sila ganong kaistrikto. Mahilig sa Sabong o tupada. Madaming alagang manok sa bahay. Malimit na ka berks si kumpare lalu na sa lakaran. Sila yung pag uwi ng bahay makapal na pera ang dala galing sa napanaluhan o kaya naman isang gin bilog dahil natalo sa sabungan. Malimit magtago kay nanay.
6. Wapakels na Tatay pero madaming pera - Sila yung tipo ng tatay na may pagkatamad. Yung nakailang utos na si nanay ay hindi pa rin nagagawa ang utos nya. Sila yung walang pakailam sa bahay. Di marunong magkusang maghugas ng plato. Di marunong magkusang maglaba. Malimit tulog pag off day nya. Gigising na lang si tatay pag kakain na. Pero wala ka, office boy si tatay at 6 figures ang sweldo nya. Lahat ng gusto ni nanay at ng mga anak nabibili nya. Di ba ang saya?
7. OFW na Tatay - Ito na yata ang pinaka sad na klase ng tatay. Malayo sa pamilya. Nagtitiis na di makasama ang mga anak at asawa para mkapagpadala ng malaking halaga. Sila yung nagaabroad para mkapag pagawa ng bahay, makapag paaral ng anak at mapakain ng maayos ang pamilya. Sila yung mag titiis na mag isa sa ibang bansa para maitaguyod ng maayos ang pamilya.
Marami pang klase ng AMA sa mundo, siguro may iba pa na hindi ko nabanggit pero iisa lang ang masasabi kong katangian ng isang tatay. Sila ang haligi ng isang tahanan na gagawin ang lahat upang maitaguyod ng maayos ang isang pamilya at hindi lang para sa sarili lamang.
Ikaw? Anong klase ng tatay meron ka?
Happy Father's Day sa ating mga Tatay!

Comments