Kase Nanay ka...
- parcoclymene
- Sep 24, 2018
- 6 min read
Updated: Sep 25, 2018

Ano nga ba ang mga pagod ng isang Ina? Feeling ko maraming makakarelate dito lalo na yung mga masisipag at mga mapagtiis na nanay dyan.
Alas 5 ng umaga, yan ang oras na dapat fully charged ka na kung ikaw ay isang nanay. Meron ngang nanay na maaga pa dyan ay gising na. Yung ikaw na nanay, na dapat ay mas mauunang magising kesa sa anak at asawa mo. Bakit nga ba? Kase nanay ka..
Nagmumuni muni ka pa lang sa higaan ang dami na ng listahan ng gagawin mo sa isang araw. Kelangan magawa mo yun lahat kase nanay ka. May iba bang gagawa noon, wala di ba? Mapwera na lang may katulong ka sa bahay na pwede mong utusan pero minsan yung halagang apat na libo na ibabayad mo mas gugustuhin mo na lang ipambili ng pagkain ng pamilya mo at bilang nanay ikaw na lang ang gagawa tutal kaya mo naman. (Kaya nga ba?) Ang hirap pa kapag minsan kahit may kasama ka sa bahay, utusan mo minsan di ka makukuntento bilang nanay ka uulitin mo, di ba mas nagdodoble doble yung gawain?Eh di ikaw na lang - kase nanay ka...
Eto tapos na yung muni-muni mo sa higaan. Babangon ka na.. bago ka makarating sa kusina nyo dadaaan ka muna ng cabinet nyo hahanapin ang uniform ng anak mo, ihahanap ng medyas, sando. Isama na din yung isusuot ng asawa mo kung sa opisina nag tatrabaho. Dahil mamaya panigurado kung hindi mo ihahanda ang mga iyan ikaw din na Nanay ang tatanungin nito. "Ma, ang medyas ko?" "Inay, ang uniform ko?" Ma, may nalabhan ka bang panyo ko?" Yung tipong alam naman nila kung nasaan ang mga gamit nila pero itatanong pa rin sayo. Ganon talaga kase nanay ka...
Oh teka, wala pa tayo sa kusina ha. Inihahanda pa lang yan ha.Ngayon dahil nanay ako, ano ba uunahin ko? mamalantsa or magluto ng agahan ninyo? Though merong mga nanay na nagtitipid at isang bultuhan ang pamamalantsa. Pero kapag nag tatrabaho ka sa opisina na tipong ang pahinga mo na lang ay ang tulog mo, kung kelan lang isusuot saka tayo namamanlantsa. Di ba? Sige eto na lang, baba na tayo sa kusina... habang nababa ka isip ka na kung ano lulutuin mong agahan , bakit? Kase nanay ka...
Di ka pa nakakahilamos o mumug diretso ka na sa ref nyo at hahanapin ang lulutuin mo. Kuha si itlog, si hotdog... ay hindi pala, hotdog na kase kahapon eh maiba naman longganisa naman ngayon. Kuha si bahaw para sa singanag mo. Di ba kumpleto rekado, dapat lang kase nanay ka. Oh teka, bago ka mag gisa ng bawang... isabay na natin ang pagpapainit ng tubig para naman makapagkape ka habang nagsisimula ka palang ng araw mo. Habang nag kakape, nagsasangag nag piprito ng longganisa ng itlog maiisipan mo na ding isabay ang pamamalantsa. Ang galing mag multi tasking ano??? Bakit? kase nanay ka..
oh di pa yan tapos, makakapagwalis ka pa nyan, punas punas... Oh ayan tapos na lutuin ang agahn at nakapag plantsa ka na... Magic di ba? Kase nanay ka...
6:30 ng umaga, gising na anak mo gising na asawa mo, dyarannnnn! kakain na lang sila. Biruin mo yun natulog lang sila pag gising instant agahan and ayos ng mga susuutin na. Habang nakain sila, check mo gamit ng anak mo kung kumpleto pa ba si lapis, ihahanda ang mga ginawang assignment nyo kagabi, iccheck mo kung may pambura pa ba sya or pudpod na. Bakit? natural kase nanay ka... Pag medyo may kalikutan pa ang anak mo, syempre andyan yung matatapon pa si tubig, mahuhulog pa si pinggan. Syempre, ikaw din mag lilinis nun may iba pa ba? Syempre ikaw lang kase nanay ka...
Oh ayan tapos na sila kumain , May nanay na ganito " oh iwan nio na sa lamesa at ako na bahala dyan mamaya! " " lagay nyo na lang pinagkainan nyo sa lababo at tanghali na, ako na maghuhugas nyan" galing talaga ng nanay no? Oh ano na ba sunod, liligo na. Si asawa at si anak. Daming senaryo bago maligo, yung anak m na ayaw ng malamig na tubig syempre pag iinit mo pa. Pero kung may hot shower ka naman magaling kung meron.Pag wala ay sa takure syempre. Sino gagawa non? Syempre ikaw pa din kase nanay ka.
Bago pa makaligo, si asawa mo hahanap ng shampoo " Ma, ang shampoo san nakalagay" Ma, wala na sabon sa banyo san nakalagay?" "Ma , pahanda ng towel " Nanay, ka kaya goooooo... ibigay ang shampoo, sabon at towel. Oh ayan tapos na sila maligo pero syempre ikaw yung huli sa maliligo. Pero bago yon syempre iintindihin mo muna yung anak mo, na nagbbhis. Yung anak ko kase kinder pa lang, so need ko pa sya pulbuhan, need ko pa tulungan mag uniform kase kung hahayaan kong sya mag isa ay gusot na ang aking pinalantsa. Oh ayan, tapos na sila ... Chance mo na maligo. Syempre need mo din maligo dahil ihahatid mo anak mo sa school. Tapos bago ka maligo may mga asawa na ganito " Maliligo ka pa lang baka ma late kami?" "Ang tagal mo naman ma?!?" kaloka di ba? tingin nga yata nila nagmamagic ang mga nanay. At dahil galit na sila na parang bang nag pa bandying bandying ka lang kaya ikaw yung nahuli maligo, 2 mins tapos ka na maligo walang kuskos kuskos. Wag na kayong tumanggi, danas ng mga nanay yan.
Hahatid na sa school, pag may sasakyan kayo magalin at sa sasakyan nyo na ikaw mag susuklay. Kung wala naman ay di sa tricycle. Dun na din ang lipstick ng kaunti or pede ding wala na. Pulbo na lang magmukha namang tao di ba? So ayan naihatid m na sa school, nasa opisina na si asawa... Feeling mo pahinga ka na.. pero hindi pa. Uuwi ka ulit ng bahay ,pero bago yung diretso ka muna ng palengke at magtingin ng makakain nyo para sa tanghalian at hapunan. Meron ding kasamang pag babudget kung nanay ka, kung mayaman ka naman kahit kuha ka lang ng kuha ng bibilhin mo. Pero malimit budget talaga yan, sa bigas sa karne sa isda sa gulay...Wala naman ibang magiisip nun kundi ikaw, kase nanay ka...
Hayyyyy salamat nakauwi ka na ng bahay. Alas 9 na ng umaga. Magpapahinga na ba ang nanay? Syempre hindi pa. Yung mga hugasin mo sa lababo, tapos maiisipan mo pang maglaba. Yung mga maduming damit na basta na lang iniwan sa banyo syempre ikaw din ang kukuha. Bakit? Kase Nanay ka. Mga tuwalyang ginamit syempre ikaw din ang magbibilad sa labas. Walis walis ng bakuran kung meron ka. Yung mga pinamili mo syempre ikaw din mag aayos at mag papake sa ref, meron pa bang iba? at dahil alas 10 na... maghahanda ka naman ng tanghalian para syempre sa kanila. Gayat dito gayat doon, saing dito saing doon. Paikot si washing machine. Sampay. Balik sa niluluto. Ang bilis ng oras parang walang nangyari 11:30 na, susunduin mo na anak mong kinder. At syempre pagbalik mo ng bahay, palit damit, pakain, check ang assignment. Swerte mo if bring your books lang, eh paano kapag may exam na , may project pa at may bring this bring that pa??? Sinong iikot ? Syempre ikaw, kase nanay ka.
Tanghali na, paanyo mo si anak mo..pagkakain tanghalian syempre ikaw din magliligpit ng pinagkainan, pinaglutuan mo, swerte mo na kung may chance ka pang makapanood ng It's Showtime. Merong malulupit na nanay na nakakapag online selling pa , nakakapag ahente pa, nakakapag turo pa kahit na ikaw lahat sa bahay. May mga nag lalive pa sa FB, benta dito benta doon habang ikot yung anak mong malikot. Ganon talaga, kase nanay ka... At syempre inabot ka na ng hapon, tuyo na si nilabhan at syempre kapag natuyo na ano kasunod? Kelangan ng tiklupin, sino gagawa non? galing noh, ikaw na naglaba, ikaw na nagsampay, tiklop ikaw pa rin?Syempre, kase nanay ka.
At sympre dahil hapon na, eto ka na naman nag iisip? naluto ko na si longganisa kanina, pati si itlog.. nag manok na nung tanghali, ano bang pwede pang iluto? syempre ulit ulit lang, ikaw magpeprepare, mag gagayat, magluluto, maglilinis ng lahat ng ginamit mo. Pagkatapos ng lahat nang yan, tuturuan mo naman ang anak mo. Ung katawang pagod na pagod maghapon, eto utak naman ang gagamitin. Balik bata tayo, isipin mo ulitin natin ang vowels at consonants ang mga past tense at present tense di ba kaloka? Pagkatapos mong turuan syempre tulugan na, pero ikaw na nanay gising na gising pa.Yung iba ginagawang pahinga ang pagbebenta, biruin nyo nagagawa pa naming mga nanay magtinda kahit maghapon kang walang pahinga? May mga nanay dumuduty pa ng gabi, galing d ba? Kayang kaya sabi nga nila, kase.. nanay ka . Maghahating gabi na, syempre tulugan na lahat habang ikaw check si pinto kung nakalock, check kung walang nakasaksak ng kung ano, check kung may susuutin ba si asawa mo at anak mo bukas. Syempre gagawin mo yun lahat bago ka makapag pahinga, kase nanay ka... Sa wakas , oras na para magpahinga. At dahil nanay ka, mag alarm ka na ulit ng alas 5, para bukas uulitin natin lahat ng ito. Nagagawa nating mga nanay ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal natin sa ating pamilya. Malimit man nakakapagreklamo tayo, na pagod na tayo at minsan talaga dadaing ka na lang na pagod ka na pero di ibig sabihin titigil ka ng maging isang nanay sa mga mahal mo sa buhay. Kung gusto nyong palitan or magpasalanat sa kung ano mang nagagawa naming mga nanay sa inyo, APPRECIATION lang tanggal na ang pagod naming mga nanay. Hindi kase biro ang pagiging Ina. Di naman namin kailangan ng mga materyal na bagay, THANK YOU lang sapat na.
Being a mother is HARD. That's all.
-Clymene
Comments