Ang isang CAPRICORN ...
- parcoclymene
- Jun 6, 2018
- 2 min read
Updated: Apr 5, 2019
Ang isang Capricorn ay malimit na may goal sa buhay. May target na gustong makuha. Masipag at responsable. Maaasahan at malakas ang loob. Palaging handa ang isang Capricorn. Sa isang desisyon, malimit mayroon na sila Plan A, Plan B at Plan C.
Magaling magtago ng nararamdaman ang isang Capricorn. They tend to keep a lot of things to themselves dahil ayaw nila na may ibang tao pang mamomroblema dahil sa kanila. Bihira silang humingi ng tulong, hangga't kaya nila at hangga't maaari sarili lang nila ang gagawa ng paraan para maisaayos ang isang problema.
Hindi mahilig sa mga mararangyang bagay ang isang Capricorn. Wala silang pakialam sa pera mo dahil kaya din naman nyang kitain ito. Wala syang pakialam kung may sasakyan ka o wala. Kung sosyal ka o walang kaya sa buhay. Basta maging totoo ka lang sa isang Capricorn, for sure they'll keep you.
Sensitive ang isang Capricorn. Minsan maliit na bagay lang nasasaktan na sila.
Hindi sila palaaway. Hindi sila war freak, pero kapag inaway mo sila --- siguradong wala kang panalo sa isang Capricorn. Masasaktan ka sa salita nila at sa pagkapranka nila.
Maraming Capricorn ang mas gustong magisa. Mas gusto nila ang tahimik. Lumalabas lang ang kulo nila kapag ang kasama nila ay mga totoong kaibigan lang.
Hanggat maaari itatago ng isang Capricorn ang weakness nya. Hindi nya ipapakita lalu na sa kanyang mahal sa buhay na nahihirapan na sila. Magaling silang magtago.
Capricorns put their hearts in everything --- kaya pag sinabi ng isang Capricorn na mahal ka nya at mahalaga ka para sa kanya.. totoo yon.
Maraming Capricorn ang mahiyain, boring, mas gusto nila ang magbasa ng libro sa bahay kesa sa gumala sa Malls at mag bar.
They only have few true friends.
Provider ang isang Capricorn. Dahil sa masisipag sila at madiskarte sa buhay hindi nagiging problema sa kanila ang maghanap ng pagkakakitaan. Matatalino sila.
Malimit pinapasan nila ang Mundo lalu na pagdating sa pamilya. Minsan pa sinisisi nila ang sarili nila kapag may nagiging problema at di nila nasusolusyonan,
Sweet at clingy ang mga Capricorns.
Mahalaga sa isang Capricorn ang oras. Sabi nga nila yung mga bagay na kaya naman gawin ngayon ay hindi na pinagpapabukas pa.
Madaling mag alala ang isang Capricorn. Pero tinatago lang nila ito sa sarili nila para hindi magalala ang mga nasa paligid nila.
In love, they show their love in the cutest way.
They have the most genuine smile
Kinakabahan na ang isang Capricorn pero hindi nyo pa malalaman.
Nakakaintimidate sila minsan.
Hindi madaling kasama ang isang Capricorn. Alam nila yun sa sarili nila.
Walang kinikilingan ang isang Capricorn, kapag mali ka.. sorry ka.
Kung mahal ka ng isang Capricorn, gagawin nila ang lahat para tulungan ka.
A Capricorn has a pure heart.



Comments